oo. napapagod na talaga ko. nagsasawa na. buong high school at college life ko andami kong friends. andaming obligations, andaming dapat gawin. andaming dapat sabihin. iniisip ko kahapon kung ano ba ang feeling ng walang friend, malungkot syempre. haay.
kasalanan talaga to ng isang tao e. nananahimik akong nag-e-emo dahil aalis na ang first-slash-only love ko tapos babanatan ako ng kung anu-ano. alam kaya nya yung feeling non. alam mo yung feeling na nahhurt ka tapos sa dinami dami ng friends mo, wala man lang nagrereply- ang sakit nun, dagdag sa sakit na narramdaman mo. pero yung tinanggap mo na na walang magrereply at nakiusap ka na lang na wag sila magsawa sa pagbabasa ng heart aches mo, tapos chaka may nagreply at sinabi -hindi lang sinabi kundi pinamukha sayo na KASALANAN MO, ano pang feeling nun? alam kong kasalanan ko, pero ano bang alam nya? alam nya ba kung gano kakumplikado yung sitwasyon? hindi naman sa lahat ng oras pwede mong sundin yung magpapasaya sayo. sabi siguro nung iba ang babaw ko para magalit dahil lang sa mga sinabi nya, oo na. mababaw na ko. pero galit pa din ako. oo galit ako. ayoko na makipagusap. kaya ayoko na ng friends, dahil kone-konektado silang lahat. ayoko na. napapagod na ko umiyak ng mag isa. napapagod na kong sabihin na sana katabi ko sila pag nalulungkot ako. napapagod na kong umasa na may dadamay saken. napapagod na talaga ko.
ang pathetic ng feeling kasi salita ka ng salita tapos kundi criticism, blangko ang reply sayo. masama bang manghingi ng comfort? bakit feeling ko kapag sila ang may kailangan saken ibinibigay ko naman ang sarili ko? feeling ko mabuti naman akong friend. o feeling lang talaga ako? hindi ako perpektong kaibigan pero at least nag aalala ko, at least tinatry kong replyan ang bawat hinaing nila, at least nagiisip ako kung pano sila sasaya, at least iniisip ko muna kung masasaktan sila sa sasabihin ko o hindi.
napapagod lang talaga ko, pero di ko naman sila kayang bitawan e.. hindi kasi ako ganon. kaya nga ako naiinis pag di sila nagrereply, dahil hindi naman ako ganon.
ayokong isipin na tama si Aris, iniisip ko na lang na busy tayong lahat at maraming mas mahalagang bagay kesa sa pagparty, pero napapagod na kong isipin yun.. hindi na applicable ang WHAT ARE FRIENDS ARE FOR. nakakapagod lang talaga. napapagod lang talaga ko. =((